AGAWANG BASE
Isa talaga ito sa mga paborito kong laro simula ng aking pagkabata. Gusto ko talaga ang game na ito dahil dito marami akong nakilala at naging kaibigan. Dahil ito nga ay group game, marami ang sumasali kahit yung mga bata sa ibang kalye. Kahit sa school namin sa elementary, kapag may free time kami, isa ito sa madalas naming nilalaro bukod sa patintero at sipa. Minsan pa nga merong one time na halos buong klase ang sumali.
Bahaw-bahaw ang tawag naming sa larong ito sa aming probinsya. Bahaw meaning panis sa tagalog. Ito(bahaw) ang tawag sa player na first na bumitaw sa base upang mag-attempt na makahawak sa kabilang base. Minsan, natatagalan kaming maglaro kasi wala kaming sineset na boundary, kaya pwedeng tumakbo kahit saan. Nakakatuwa din ung kuryente-kuryente lalo na pag marami kami at ung iba na hindi talaga masyadong mabilis tumakbo ay nakakataya. =)
Habang nilalaro ito sa PE2, napansin ko na hindi lahat tumatakbo lalo na yung mga babae. Siguro, ayaw na nilang maglaro ng takbuhan kasi baka nahihiya sila kasi malalaki na kami..hehe. Kung gagawa ako ng variation sa game na ito, siguro wala ng kuryente-kuryente. Parang ubusang lahi, para mas mabilis matapos ang game at maingat talaga yung mga players..suggestion lang naman..xD
Dahil marami akong alaala sa game na ito, bibigyan ko ito ng “MOST MEMORABLE AND HISTORICAL AWARD”, at ang MVP sa larong ito ay siyempre si John Jaymar A. Riña..ginawa ko naman yung best ko dito..haha, xD
BERONG-BERONG
Hindi familiar diba? Parang weird ung game pero pinoy na pinoy! Hmm..hindi ko talaga alam ang game na ito sa umpisa. Sa PE2 ko lang ito unang narinig, yung time na inassign kami ni Maam ng game. At yun, berong-berong nga ang nakaatas sa amin. Ang first na naging reaction ko ay “ha?anu yun?” pero nung nabasa ko ang rules and mechanics naexcite agad akong laruin ito. First may isang taya na maghuhuli tapos pag may nahuli na sya, dalawa na silang manghuhuli habang magkahawak kamay and so on and so forth. Dapat sa larong ito merong agility at coordination. At syempre dapat, merong kang strategy upang makatakas ka sa chain tulad ng paglusot sa ilalim ng mga kamay.. oh, may idea na kayo ha?xD
Nakakawalang-antok ang game na ito kasi lahat kami ay tumatakbo, paikot-ikot, kung hindi naman ay lumusot sa mga kamay. Lahat kami siguro ay napagod pero may mga ngiti sa aming mga labi..talaga?haha. Siyempre, dahil isa ako sa mga reporters, yung variation na ibibigay ko ay yung pair na taya at manghuhuli sila na nakalibot sa player.
At dahil nga hindi ito familiar pero masaya, ibibigay ko dito ang “THE EXOTIC AND DYNAMIC GAME AWARD”, at ang mvp sa larong ito ay si JR kasi siya yung palaging last na nahuhuli.
LAWIN AT SISIW
Sa larong ito, naalala ko one time, nung nangitlog ang manok ng aking lolo, nafifeel ko na sobra siyang protective sa kanyang mga itlog. Palagi syang nakabantay at pag may lumapit parang handang-handa siyang itaboy ito. Siguro ganun talaga ang mga ina sa kanilang mga anak.
Sa lawin at sisiw, naipapakita ang eagerness ng inahin upang maprotektahan ang kanyang mga inakay. Hindi niya pinahihintulutan na manakaw ang kanyang mga anak. Habang naglalaro kami, napapansin ko na parang nakakapagod maging inahin kasi siya lang ang main na gumagalaw. Kailangan lang sumunod ng mga anak. Napapansin ko rin between sa amin na parang walang gustong maging inahin, lahat ay pumupunta sa likod pagpumipila kahit yung iba na nakapila na sa harap. Kung imomodify ko ang game na ito, siguro ay meron ding mga inakay ang lawin at pwede ding manghuli ng anak ng lawin ang manok.
Para sa akin, ang game na ito ay sumisimbolo sa hirap ng ina upang maprotektahan ang kanilang mga anak kaya bibigyan ko ito ng “THE ALLEGORY OF A MOM AWARD” at ang napili kong mvp ay si Mik kasi siya yung palagi kong nakikitang inahin.
BIHAGAN
Isa ito sa mga unang tinuro ni Maam sa amin sa PE2 kaya medyo nakalimutan ko na ‘to. Hmmm. Paano ba namin ‘to nilaro? Ang natatandaaan ko merong nung tatlong guhit. Tas maya-maya naghihilahan at may iba pa na nagtutulungan upang mahila yung player ng kabilang linya… Ah, naalala ko na! Merong dalawang grrupo tapos may dalawang guhit na nagsisilbing base ng bawat isa. Sa gitna merong isang linya na tinatawag na neutral line. Sa neutral line, pwede kaming manghila ng mga players sa kabilang pangkat at pagnahuli na at lumampas na yung player sa neutral line, magiging bihag na siya. At walang ibang gagawin ang bihag kundi maghintay hanggang matapos ang laro.
Sa modified version, pwedeng isave ang bihag ng kanyang mga kasamahan. Pwedeng pumasok ang player na gustong isave ang bihag sa neutral line pero dapat hindi sya mahuli ng kabilang pangkat. Naalala ko, merong mga natumba at nasaktan pero okay lang, masaya naman lahat. Lahat kami ay may kanya-kanyang strategy, may nagtutulungan upang mahuli ang isang player sa kabila. Meron ding mabilis na tumatakbo upang masave yung nabihag na kasamahan.
Dahil sa isa ito sa mga unang game na tinuro sa amin ni Maam, ibibigay ko ang “THE FOREMOST GAME AWARD”. At ang napili kong mvp ay si Ralph.
ARAW AT GABI
Minsan may mga laro na nangangailangan talaga ng presence of mind at tsaka matinding reflex tulad ng araw at gabi. Nakakalito talaga ang game na ito. Hindi ko alam kong tatakbo ba ako o ako yung manghuhuli.
During this game, hinati kami sa dalawang grupo, isang araw tsaka isang gabi. Sa original version, isang tsinelas lang ang ginamit upang magdecide kung sino ang tatakbo at sino naman ang maghuhuli. Ang naalala ko, kung ang tsinelas ay nagland sa lupa nang typical na pagkakatayo, yun ay day at ang manghuhuli ay yung grupong nakaassign sa day at tatakbo naman ang mga “night people”..xD, kung baliktad naman ang tsinelas, ang night naman ang manghuhuli. Yun yung naaalala ko ha, hindi ako sure.
Sa ikalawang version, dalawang tsinelas na ang ginamit. Ewan ko, nalilito pa rin ako. Basta, pag dalawang day ang lumabas, ung night ang tatakbo at pag isang day tsaka isang night naman, neutral. At kung dalawang night, yung “day people” ang tatakas. May nakalimutan pala ako, as usual merong namang base-base. Safe yung players pag nakarating sila sa inassign na base nila hanggang hindi pa sila natatap ng mga players sa kabilang group.
Habang nilalaro namin ito, yung nga, karamihan sa amin ay nalilito, may iba na tumatakbo papunta sa base nila ngunit sila dapat ang manghuhuli. Meron ding iba na nakatayo lang kasi hindi alam kung anong gagawin nila. Pag gagawa ako ng version, siguro pahihirapan ko..hehe, gagawin kong may reverse. Siyempre dalawang tsinelas pa rin ang gagamitin, at sasabihin lang ng host kung reverse o hindi. O, diba?nakakalito?
Kaya ibibigay ko dito ang “THE LURING GAME AWARD”. At ang mvp dito ay ako siyempre. Kasi marami akong nahuhuli pero hindi pa ako nahuli. Gets?