Patintero
Ito na siguro ang pinakamemorable na game para sa akin. Kasabay ng aking pagkamulat sa mundo ay ang aking pagkilala sa larong ito bilang pinakanakahiligan at pinakamasayang game. Kaya nung nilaro namin 'to sa pe2, bigla kong naalala ang aking kabataan. Bumugso ang aking kaisipan sa aming probinsya kung saan ang patintero ang sikat na sikat na nilalaro ng mga kabataan.
Sa pe2 namin, iba yung mechanics ng game. Merong dalawang bantay sa magkabilang side ng playing area [hindi ko na maalala kung anong tawag]. Tapos, hindi counted pagnataya mo ang kalaban kung nakapasok na ang isa nitong paa sa next area. Sa amin kasi, malaki ang playing area. Pagkatapos, walang bantay sa dalawang side at higit sa lahat pwedeng kang manaya kahit nasa likuran mo yung kalaban hangga't nasa linya pa rin yung dalawa mong paa.
Kaya naman para sa akin, ito yung “BEST GAME EVER AWARD”, at yun nga ang ibibigay kong award para dito. At siyempre ako ang mvp sa larong ito.
Gu-long
Sa pangalan pa lang ng larong ito, masasabi nating mahirap itong gawin. Pero dahil ito yung huling invented game na lalaruin sa sem, wala kaming choice kundi sundin ang mechanics ng game.
Nung umpisa, parang ang saya-saya laruin, ngunit nang nilaro na namin ito, para kaming pinaparusahan..xD Habang tirik ang araw, nakahiga kami sa mga kartong nilatag sa semento. Isa-isa kaming gumulong. Akala niyo ganun lang yun kadali? Hindi.. Isa-isa kaming gumugulong sa ibabaw ng aming mga kaklase. Kawawa talaga yung mga maliliit na nadadaganan.. =( At grabe ang hirap, siyempre merong nasaktan at nasugtan pero kahit ganun pa man, masaya pa rin.
Nakakapagod talaga ang game na ito. Para sa akin ito yung pinakafurious na game sa pe2. Ayon pa nga sa iba, “Sana magtime na!” kaya ibibigay ko dito ang “TIME-OUT GAME AWARD”, at ang napili kong mvp ay si Maam Joan, hehe, peace =)
Touch My Hand
Well, para sa 'kin, mas maganda ang title na “You and Me Against The World” sa larong ito. Kasi sa game na ito, merong dalawang taong parang malayo ang agwat sa isa't isa.
Marami din at malalaki ang mga balakid na humaharang sa kanilang pag-iibigan.
Sa pe2, dalawang tao ang magsisilbing “romeo and juliet” at ang goal ay mahawakan ang kamay ng isa't isa. Hindi lang yung ganun kadali. The rest of the class ay magsisilbing harang at balakid sa kanilang dalawa. Magbubuo ng dalawang bilog, isang inner and outer. Sa loob ng inner, nandun ang isa, at ang isa ay sa labas.
Parang ang sweet ng game na ito, kaya ibibgay ko dito ang “ROMANTIC GAME AWARD”, with love.. haha, at ang mvp dito ay si Rain.
Dual Force
Ang astig ng pangalan, parang movie..haha Parang transformers at hindi lang yun, ang hightech ng pangalan.
Dual Force?ano nga ba ito?well, sa pangalan pa lang dual, meaning dalawa, force, meaning lakas. Merong dalawang grupo na maglalaban-laban. Bawat grupo hahatiin sa dalawa, isa ang tagahila at isa ang tagatulak. Para mas maintindihan nyo, ito ung “schematic diagram”:
G1push G2push
G2pull G1pull
G1push G2push
G2pull G1pull
G1push G2push
G2pull G1pull
Gets na ba?basta ang goal dito ay mag-unahan sa pagkuha ng something sa loob ng bilog. Yung G1 push at G2 push, sila ang magsisilbing offense at ang G1 pull at G2 pull naman ang defense. Ang problema lang sa game na ito ay yung nasa likod parang walang gamit kasi sa unahan lang talaga ang gumagalaw at talagang kailangan ng matinding lakas.
Bibigyan ko ito ng “THE FORCEFUL GAME AWARD” at ang mvp dito ay si Arthel.
Dr. Kwak-Kwak
Doktor na Bibe? Hindi.. Dr. kwak-kwak. Ito yung game na parang binabali yung buo mong katawan. Joke lang..xD Sa larong ito, naalala ko ang mga babaeng naglalaro nito sa amin. Career na career nila ang pagmanipulate ng kanilang mga katawan. Kaya kung ikaw ang taya, siguradong mahihirapan kang isolve ang problemang ito.
Habang naglalaro kami sa pe2, napapansin ko parang sobrang competitive namin. Kahit anu-anon nalang ang ginagawa para lang pahirapan ang taya [ang sama..xD] kaya naman para isa itong math problem na kailangan ng mahabang solution. Kaya ibibigay ko ito “the MATH17-ALIKE GAME” at ang mvp dito ay si Mik.